Home METRO Libreng tubig mula sa sikat ng araw, binuksan ng gobyerno sa Bulacan

Libreng tubig mula sa sikat ng araw, binuksan ng gobyerno sa Bulacan

Sta. Maria, Bulacan – Tuwang-tuwa ang mga Bulakenyong residente ng dalawang barangay dito matapos pasinayaan ang dalawang pasilidad na magbibigay ng libreng tubig sa pamamagitan ng solar na proyekto ng gobyerno.

Ayon kay 6th District Congressman Zalvador Pleyto, instrumento siya ni Pangulong Bongbong Marcos at House Speaker Mattin Romuladez sa pagpapasinaya ng dalawang Solar Powered Water System with Filtration (SPWSF)sa paaralan ng Brgy. Caysio at Brgy. Caypombo nitong Biyernes, Enero 26.

Ipinaliwanag ni Disttict Engineer Gorge Santos na ang dalawang SPWSF na may presyong P9.7M bawat isa na sila ang gumawa ay may mga tig- dalawang malalaking tangke sa ibaba na imbakan ng tubig.

Aniya, ang dalawang tangke (sub tank) sa ibaba na imbakan ay kayang maglaman ng 8,000 liters na idadaan naman sa filtration facility para masala.

Mula sa naturang facility ang 40 porsiyento rito ng tubig ay magsisilbing potable water na maaring inumin habang ang 60 porsiyento ay raw water ay maaring gamiting pandilig, panghugas o panglinis at panglaba.

Sinasabing halimbawang kumulimlim ang panahon ay awtomatikong gagamitan ito ng kuryente para sa tuloy-tuloy na serbisyo nito sa publiko.

Tuwang-tuwa ang mga residente rito kabilang ang mga guro at mga estudyante dahil magkakaroon na sila ng sapat at libreng tubig na sinasabing ang ilan dito ay bumibili ng P5 per container. Dick Mirasol III

Previous articleTrak sinalpok ng van, 2 patay, 4 sugatan
Next articleLolo patay sa kalugar dahil sa abaca