Home METRO #LibrengSakay sa LRT-2 sa Rizal Day

#LibrengSakay sa LRT-2 sa Rizal Day

MANILA, Philippines – Magbibigay ng libreng sakay ang Light Rail Transit (LRT-2) sa piling mga oras sa Sabado, Disyembre 30.

Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-127th martyrdom ng pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal.

Magsisimula ang libreng sakay ng alas 7 ng umaga hanggang alas 9 ng umaga.

Sa hapon naman ay mula alas 5 Hanggang alas 7 ng hapon, ayon sa abiso ng LRT-2.

Ang unang train ay aalis ng Recto at Antipolo stations ng alas 5 ng umaga.

Ang huling byahe naman sa Antipolo station ng alas 9 ng gabi at alas 9:30 ng gabi naman ang huling byahe sa Recto station.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleKelot himalang nakaligtas matapos tumalon sa MOA building
Next article96% ng Pinoy positibo sa pagsalubong ng 2024