Home OPINION LIBYA: 11K PATAY NA SA 20 MISSING

LIBYA: 11K PATAY NA SA 20 MISSING

113
0

NAKAPANININDIG-BALAHIBO talaga ang naganap na bagyo at baha sa Derna City sa Libya.

Sinasabing may 2,300 Overseas Filipino Worker doon pero wala naman umanong nasawi sa kanila roon.

Nangamba tayong may damay sa libo-libong patay pero sana naman, totoo ang sinasabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo Jose de Vega na nasa 90 lang ang Pinoy sa Derna City noong maganap ang delubyo sa kalagitnaan ng gabi.

At ngayon, puno umano ang kamay ng ating mga kababayan sa pagtulong sa search and rescue at pag-ayuda sa mga biktima lalo’t halos lahat umano ng Pinoy roon ay medical worker o doktor, nars at iba pa.

HUKAY RITO, PULOT DOON

Naiimadyin natin ang nagaganap roon ngayon.

Hindi lang nasa ilalim ng putik, nagibang mga bahay at iba pang istraktura at mga lupa ang mga biktima.

Meron ding natatagpuang mga bangkay sa karagatang na may layong 60 kilometro mula sa lugar na dinaanan tubig-baha mula dalawang dam na nagiba at malakas na ulan ibinuhos ng bagyong Daniel.

Kaya naman, bukod sa paghuhukay sa mga bangkay, meron ding mga namumulot ng bangkay rin sa mga dalampasigan at gitna ng karagatan.

At kasali nga ang mga Pinoy sa mga gawaing ito.

Labis ang pasasalamat natin sa Maykapal na ligtas ang ating mga kababayan sa sakuna at tumutulong sila ngayon sa lahat biktima.

PANGAMBA HINDI MAALIS

Napakahirap talagang isipin na may mga pamilyang lubos na nilamon ng baha o putik nang sumabog ang dalawang dam.

Unang iniulat na 3 metro lang ang taas ng baha ngunit sa kalaunan, nasa 7 metro pala.

Nang mapuno at sumobra na ang laman ng 70 metrong taas na unang dam, pumutok na ito nang malakas nang magiba at sumunod na ring pumutok ang mas malaking dam sa ibaba nito at doon na naganap ang delubyo.

Kasabay ng ragasa ng mga tubig-dam ang malakas na ulan galing sa bagyo na una nang lumikha ng baha sa nasabing syudad.

Makaraan ang ilang oras o kinaumagahan, hindi na nabungaran pa ang araw ng libo-libong residente habang humahagulgol na lang ang mga natitirang buhay mula sa 100,000 mamamayan.

Sino ang hindi makararamdam ng labis na pangamba rito sa hanay ng mga buhay?

Sapagkat hindi natatapos ang kasaysayan ng delubyo roon.

Sumunod dito ang pagkakakalantad ng mga bangkay sa mga kalsada at iba pang lugar, kasama ang karagatan at ang mga paghuhukay at paghahanap ng mga nawawala.

MASAHOL PA SA YOLANDA TRAGEDY

Nang tumama sa Kabisayaan ang bagyong Yolanda, namatayan din ang mahal kong Pinas ng mahigit 6,000 at may libong missing hanggang sa kasalukuyan.

Pero mas masahol ang naganap sa Libya.

Ngayon naman, nakababangon na kahit papaano ang mga biktima ng Yolanda.

Sana ganito ang maganap sa Libya sa mga darating na araw.

Previous articleSHABU ISINASABAY SA KAHIRAPAN
Next articleLotto Draw Result as of | September 17, 2023

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here