Lider ng criminal group, todas sa Cavite buy-bust

Lider ng criminal group, todas sa Cavite buy-bust

May 19, 2020 @ 1:33 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  
Share

Cavite – Patay sa isang anti-drug operation ang isang lalaki na sinasabing criminal gang leader, ayon sa pulisya ngayong Martes, Mayo 19.

Kinilala ni Col. Marlon Santos, hepe ng Cavite police, ang nasawing suspek na si Macris Bautista, 37, tinuturong lider ng isang criminal gang na sangkot sa mga serye ng pagnanakaw at pagkukulimbat ng mga motorsiklo.

Kabilang din umano si Bautista sa police’s watchlist dahil sa sinasabing pagtutulak ng iligal na droga, ayon pa kay Santos.

Pahayag ni Santos na ikinasa ng police drug enforcement team ang isang buy-bust bandang 9:45 p.m. ng Lunes, sa Barangay Tejeros Convention.

Nang positibo umanong bentahan ng suspek ang mga pulis ng hinihinalang shabu, bigla na lamang umano itong nagpaputok ng baril matapos na mapagtantong isang sting operasyon ang nagaganap.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis na naging sanhi ng pagkamatay ng suspek.

Nasamsam ang nasa P35,000 halaga ng hinihinalang shabu mula umano sa suspek, at nakita rin ang isang kalibre .45 na baril ni Bautista na sinasabing ginamit sa shootout. RNT

Share

Leave a Reply

Loading...