Home METRO Lider ng gun-for-hire syndicate patay sa engkwentro sa Quezon

Lider ng gun-for-hire syndicate patay sa engkwentro sa Quezon

MANILA, Philippines – Napatay sa engkwentro ang hinihinalang lider ng gun-for-hire syndicate nitong Sabado ng gabi, Hunyo 22, sa Sitio Tejero, Barangay Lual Bo, Mauban, Quezon.

Kinilala ang nasawi na si Ronnie llao Hernandez, 41, pinuno ng Hernandez gun-for-hire group.

Dumating ang mga awtoridad sa bahay ng suspek para magsilbi ng warrants of arrest dahil sa murder at frustrated murder na inisyu ng korte sa Lucena City, Quezon.

Pinaputukan ni Hernandez ang mga dumarating na pulis at isa sa kanila ay tinamaan.

Dahil dito ay gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan naman ng bala ng baril sa dibdib ang suspek.

Dinala sa ospital ang suspek ngunit idineklarang patay. RNT/JGC