Home HOME BANNER STORY Lider ng Kapa makukulong habambuhay – SEC

Lider ng Kapa makukulong habambuhay – SEC

MANILA, Philippines – Hinatulan ng Regional Trial Court of Butuan City-Branch 33 ang utak sa likod ng Kapa Community Ministry International Inc. investment scam nang habambuhay na pagkakulong.

Sa pahayag, sinabi ng Securities and Exchange Commission (SEC) na nakita ng korte ang Kapa leaders na sina Joel Apolinario, Cristobal R. Baradad, at Joji A. Jusay na “guilty beyond reasonable doubt of eight counts of syndicated estafa, as defined and penalized under Article 315 (2)(a) of the Revised Penal Code, in relation to Presidential Decree No. 1689.”

Ang hatol ay kasunod ng case buildup ng SEC sa investment-taking activities ng SEC.

Si Apolinario, na kilala rin bilang Pastor Joel, ay founder at presidente ng Kapa, habang si Baradad at Jusay ang kanilang incorporators.

Sinabi ng SEC na ang tatlo ay sinentensyahan ng habambuhay na pagkakulong, at ipinag-utos na magbayad ng walong damages na nagkakahalaga ng P195,000 sa mga complainant.

“Clearly, [Apolinario] together with [Baradad and Jusay] employed fraud or deceit by falsely pretending or misrepresenting that they are authorized by the SEC to engage in profit-making business when in truth and in fact, they are not authorized to do so being a non-stock corporation,” saad sa ruling ng RTC.

Ang inakusahang mga lider ng Kapa ay nangako ng 30% monthly interest habambuhay sa mga nag-invest.

Tinukoy ito ng SEC bilang “false pretense,” kung saan hinikayat ang mga complainant na mag-invest ng kanilang pera ngunit walang naibalik sa mga ito.

Sinang-ayunan ng korte ang nakita ng SEC na ang solicitation activities ng Kapa ay maituturing na Ponzi scheme.

“The Court takes credence on the testimony of the witness from SEC, who testified that the means employed by KAPA is akin to a Ponzi scheme,” saad sa desisyon.

“In People of the Philippines vs. Rosario Baladjay, which is on all fours with the present cases, a similar ruling was made by the Supreme Court which explained the too-good-to-be-true promises of a Ponzi scheme, wherein the purported investment program offers impossible high returns and pays these returns to early investors out of the capital contributed by later investors,” dagdag pa ng korte.

Sinabi ng SEC na ang desisyon ay dumating halos anim na taon matapos na mapag-alamang nahikayat ng Kapa ang publiko na mag-invest ng P10,000 na itinago bilang donasyon, kapalit ng 30% monthly return habambuhay na tinawag na “blessing.” RNT/JGC

Previous article2 patay sa nag-amok na senglot sa Christmas party
Next article9 nasagip sa lumubog na bangka sa Batangas