Inihayag ng Southern Police District (SPD) ang pagkakaaresto ng tinaguriang leader ng kilabot na gun-for-hire ng Western Visayas sa Makati City.
Kinilala ni SPD director Brig. Gen. Kirby John Brion Kraft ang suspect na si Elfran Bagatnan, 31.
Ayon kay Kraft, nadakip si Bagatnan sa Barangay Guadalupe Nuevo nitong Huwebes dakong alas 12:09 ng tanghali.
Si Bagatnan na leader ng gun-for-hire group na nag-ooperate sa Iloilo province ay nasakite sa bisa ng arrest warrants na inisyu ng dalawang korte sa Barotac Viejo, Iloilo, ng walang kaukulang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaaan.
Dagdag pa ni Kraft na ang pagdakip kay Bagatnan ay bahagi ng kampanya ng Philippine National Police (PNP) na mahuli ang lahat ng high-value criminals at organized crime networks sa bansa. (James I. Catapusan)