Home NATIONWIDE Lider ng kulto hinatulan sa pagpatay sa 191 bata

Lider ng kulto hinatulan sa pagpatay sa 191 bata

KENYA – Kinasuhan na ng murder ang lider ng isang kulto sa Kenya na si Paul Mackenzie at 29 na kasamahan nito, dahil sa pagpatay sa 191 bata.

Matatandaan na natagpuan ang bangkay ng mga bata na inilibing sa isang gubat.

Itinanggi naman ng mga akusado na sangkot sila sa pagpatay sa mga bata. Isa pa sa mga suspek ay nakitang “mentally unfit” para lumahok sa pagdinig.

Ayon sa prosekusyon, inutusan umano ni Mackenzie ang kanyang mga taga-sunod na gutumin ang kanilang sarili kasama ang kanilang mga anak hanggang sa mamatay upang sila ay makarating na sa langit bago pa magunaw ang mundo.

Isa ito sa itinuturing na pinakamatinding cult-related disasters sa kasaysayan.

Inaresto na si Mackenzie noon pang Abril at kinasuhan ng terrorism-related crimes, manslaughter, at torture.

Noong Disyembre, sinentensyahan pa ito ng 12 buwang pagkabilanggo dahil sa produksyon at pamamahagi ng mga pelikula na walang lisensya. RNT/JGC

Previous article9 tulak, laglag sa P180K ‘bato’ sa Bulacan buy-bust
Next articleBooker, Durant nag-init sa panalo ng Suns vs Bucks