BACOLOD CITY –NADAKIP ang isang lider ng sindikato ng droga na matagal ng minamanaman ng Bacolod City Police Office (BCPO) sa bayan ng Compostela sa lalawigan ng Cebu, iniulat kahapon.
Kinilala ang naarestong suspek na si Cader Chisno Magondacan, kilala bilang isang sub-group leader ng Caunda drug ring.
Ayon kay Col. Noel Aliño, acting city director Bacolod City Office, nagtago si Magondacan sa Barangay Cogon ng Compostela .
Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Regional Trial Court Branch 41 Acting Presiding Judge Phoebe Gargantiel-Balbin noong Hunyo 17, 2020, nadakip ang suspek ng mga operatiba ng CPPO Intelligence Unit.
Si Magondacan ay nahaharap sa mga kasong kriminal para sa paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs) sa Section 26 (b) Article 2 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002./Mary Anne Sapico