Home HOME BANNER STORY Lifetime aid sa pamilya ng 4 Pinoy na nasawi sa pag-atake ng...

Lifetime aid sa pamilya ng 4 Pinoy na nasawi sa pag-atake ng Hamas tiniyak ng Israel

MANILA, Philippines – NAGBIGAY-PUGAY ang Israeli government sa apat na filipino na nasawi noong Oktubre 7 matapos ang pag-atake ng Hamas sa Israel.

Nangako rin ang Israeli government ng lifetime aid sa mga pamilya nito.

Sa isang panayam, sinabi ni Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss, magbibigay ang Israel ng paunang P100,000 monthly aid sa immediate family ng mga biktima.

Ani Fluss, ang nasabing halaga ay nananatiling depende sa kalagayan ng pamilya, kung ang recipient ay magulang o asawa, habang ikokonsidera naman ang bilang ng mga anak.

“But I could tell you this is more than P100,000 a month and that’s the baseline — for life,” ani Fluss.

“Israeli law understands that here the family has to continue to survive and this is why we need to continue to assist,” dagdag na wika nito.

Sinabi pa ni Fluss na ang kamakailan lamang na pinalaya na si caregiver na si Jimmy Pacheco ay kuwalipikado para sa “monthly aid” kasunod ng 49-day captivity nito.

Sa kabilang dako, nagdaos naman ng misa ang embahada para kina Angelyn Aguirre, Loreta Alacre, Grace Cabrera, at Paul Castelvi, ang apat ay nasawi nang atakihin ng Hamas ang Israel.

Kabilang din sa nagbigay-pugay sa mga biktima sina Foreign Affairs Undersecretary Eduardo Jose De Vega, Migrant Workers Undersecretary Patricia Yvonna Caunan, at Overseas Workers Welfare Administration Administrator Arnell Ignacio. Kris Jose

Previous articlePinas nasa ika-98 ranggo sa pinaka-generous sa buong mundo
Next article28 menor huli sa paglabag sa curfew sa Malabon