Home OPINION LIMANG BILYONG TAO NANGANGANIB SA TRANS FATS

LIMANG BILYONG TAO NANGANGANIB SA TRANS FATS

135
0

 NASA limang bilyong tao sa buong mundo ang nanganganib mula sa trans  fats na nagpapataas sa tsansa ng heart disease at kamatayan, ayon sa ulat ng World Health Organization.

Ang trans fat ay walang anomang napatunayang benepisyo sa katawan kaya naman taong 2018 pa ay naglunsad na ang WHO ng mga programa at pag-aaral para sa eliminasyon nito hanggang taong 2023.

Madalas makita ang trans fat sa packaged foods, baked goods, cooking oils at mga palaman sa tinapay.

Itinuturo itong dahilan  nang pagkamatay ng mahigit 500,000 na may coronary heart disease sa buong mundo.

Sa ulat na “Countdown to 2023 – WHO report on global trans fat elimination 2022, may 43 bansa lamang ang nagpatupad ng mga programa para sa pagbabawas ng trans fat na katumbas ng pagkakaligtas ng 2.8 billion na populasyon.

Ipinatupad ng WHO ang national mandatory limit na 2 grams industrially produced trans fat per 100 grams of total fat in all foods.

PAGTAAS NG TEENAGE PREGNANCY LUBHANG NAKABABAHALA

PARA kay senator Juan Miguel “Sonny” Angara, kinakailangan na ang “whole-of-government approach” para mapigilan ang patuloy na tumataas na teenage pregnancy sa bansa sa mga kabataang babae na nasa edad sampu hanggang labing-apat na taong gulang.

Batay sa datus ng Philippine Statistics Authority, lumaki ng 11% ang bilang ng mga nabubuntis na sampu hanggang labing-apat na     taong gulang na ngayon ay nasa 2,113 mula sa dating 1,903 noong taong 2016.

Pero bumaba naman ang bilang ng mga nabubuntis sa edad na labing-lima hang-gang labing-siyam.
Sa pagdami ng mga mas batang nabubuntis, hindi inaalis ng mga eksperto ang posibilidad ng “incest rape” sa mga batang ito.

Kaya inihain ni senator Angara ang Resolution No. 462 na naglalayong maim-bestigahan ng Senado ang nakababahalang sitwasyong ito.

Noong administrasyong Duterte ay nilagdaan nito ang Executive Order No. 141 na nag-aatas POPCOM o Commission on Population and   Development na nagtuturing sa teenage pregnancy bilang isang national priority.

Ikinababahala ng UNICEF Philippines o United Nations International Children’s Fund ang epekto sa kalusugan ng mga batang maagang nagbubuntis at kanyang social development.

Ang pagpapatawag ng pagdinig ay suportado nina senator Robinhood Padilla at Raffy Tulfo na kapwa naniniwala na malaki ang responsibilidad ng social media sa kasalukuyang sitwasyon.

Previous article‘Accelerated’ PH infra program, ibinida ni PBBM sa Japanese investors
Next articleTABING LAWA, INAARI NG PRIBADONG TAO