Home OPINION LINDOL KASABAY NG BAHA, PAGHANDAAN

LINDOL KASABAY NG BAHA, PAGHANDAAN

MAPAMINSALA ang pagsasabay ng lindol at baha at maaaring mangyari ito sa Pinas.

Tinatalakay natin ito, mga Brod, kaugnay ng nangyari sa bansang Haiti na habang lubog sa baha ang libo-libong mamamayan dahil sa matinding pag-ulan, tumira pa ang lindol.

Nasa 13,000 ang kabuuang bilang ng mga biktima ng baha na umabot sa kisame ng mga bahay sa Jeremie at sumabay pa ang lindol.

Habang may mahigit sa 40 ang patay sa bahay, tatlo naman ang namatay nang gumuho ang kanilang bahay at doon sila nalibing nang buhay.

Ayon sa ulat, itong lugar na Jeremie sa ngayon ay mahirap na puntahan ng mga rescuer dahil daraan pa ang mga ito sa ilang bayan na lubog din sa baha.

Ito rin umano ang lugar na kinamatayan ng 2,200 katao nang lumindol nang malakas dalawang taon na ang nakararaan.

TAG-ULAN AT LINDOL SA PINAS

Hindi talaga imposible na maganap ang sabay na pagbaha at paglindol sa Pinas.

Sa Kabikulan at Timog Katagalugan nga, naririyan ang ngayo’y pumuputok na mga bulkan.

Bulkang Mayon sa Kabikulan at Bulkang Taal sa Timog Katagalugan.

Alam naman ng lahat na lumilikha ang mga ito ng lindol.

Kapag saturated o babad sa tubig mula ibabaw hanggang ilalim ang kalupaan sa paligid ng nasabing mga bulkan, kapag lumindol, hindi imposibleng may mga landslide.

At alam na natin na kung may landslide at may mga nakatira sa lugar, naririyan ang mga panganib, kasama ang pagkawasak ng mga tahanan at kamatayan.

Alalahaning may mahigit 700 lindol o 58 lindol buwan-buwan sa mahal kong Pinas sa loob ng isang taon.

Paano kung matutulad tayo sa Haiti na habang may baha, tumira ang lindol, kahit mahina lang gaya ng magnitude 5 pababa?

Paano kung marupok na ang lupang kinatitirikan ng bahay kung babad na ito sa tubig?

LIGTAS AT MATIBAY

Kung gagawa tayo ng bahay, dapat tiyakin nating kahit papaano, eh, hindi magigiba o guguho sa medyo mahina na lindol.

‘Yun bang === kayang tumayo sa mga lindol na magnitude 5 pababa.

Kung hindi maganda o marupok ang pagkakagawa gaya ng mga may mababaw na pundasyon, kawayan o substandard na materyales ang gamit sa pagpapatayo at nasa delikadong lugar gaya ng bangin, kapag may ulan, aba, magbantay na laban maging sa lindol.

Bigla nating naalaala ang Baguio City na napalilibutan na ang mga bundok ng mga bahay mula sa ibaba hanggang sa tuktok ng mga ito.

Whew!

MAGHANDA TALAGA

Kapag araw mangyari ang magkasabay na lindol at baha, kahit papaano gising ang lahat at makagagawa ng mga remedyo at mabilis na pagtutulungan.

Paano kung gabi at mawalan pa ng liwanag mula sa buwan o kuryente?

Naiisip lang natin, magandang makapagpundar tayo ng anomang uri ng pang-ilaw at mula rito, makagalaw-galaw tayo ng may patutunguhan at hindi mangangapa sa dilim kung ano-ano ang mga gagawin.

Previous articleNars na ‘di board passer papayagang magtrabaho sa gov’t hospital – DOH chief
Next articleMag-aampon ng asong gala, bibigyan ng tax incentives ng Senado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here