Home NATIONWIDE Lingkod-bayan, mga modernong bayani – CSC

Lingkod-bayan, mga modernong bayani – CSC

PINASALAMATAN ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Nograles ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno dahil sa kanilang dedikasyon at kabayanihan at patuloy na naglilingkod nang may integridad sa kabila ng kahirapan.

Sa year end message ni Nograles sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno, binanggit nito kung paano nalampasan ng mga manggagawa mula sa iba’t ibang larangan ang bawat krisis na may matatag at matibay na diwa na tumutukoy sa mga Pilipino.

“Mula sa mga healthcare workers na nagtatrabaho nang walang kapaguran upang magligtas ng mga buhay, sa mga guro na nagmumulat ng kaisipan ng mga kabataan, sa mga inhinyero na nagtatayo ng mga tulay na nagdadala sa atin nang mas malapit sa isa’t isa, at sa mga social workers na nagbibigay gabay sa mga komunidad—each one of them embodies what it truly means to be a lingkod bayani,” ani Chairperson Nograles.

“Amidst the disruptions brought by social, political, and environmental issues, civil servants serve as the anchors of stability, the engines of progress, and the symbol of continuity in a world of many uncertainties,” dagdag pa ni Nograles.

Hinikayat din ni Chairperson Nograles ang 1.9 milyong lingkod-bayan sa buong bansa na yakapin ang diwa ng Pasko at salubungin ang nalalapit na Bagong Taon hindi lamang sa pamamagitan ng maligayang pagtitipon kundi gayundin sa pagtupad sa moral na obligasyon na iangat ang buhay ng mga mahihirap.

Nananatiling optimistiko si Nograles na ang mga empleyado ng pampublikong sektor ay patuloy na magtatrabaho nang may kahusayan, integridad, at pagmamahal sa bansa upang bumuo ng isang pamana ng mabuting pamamahala para sa mga susunod na henerasyon.

“In this season of giving, let our greatest gift be the unwavering strength of our community, shining its light brightly for all to see. As we turn the page to a new year, let us embrace the promise of renewal. Let us commit to building a Philippines where compassion reigns, where every Filipino thrives, and where the light of public service shines ever brighter,” ayon kay Nograles.

“Sa ngalan ng Komisyon sa Serbiyo Sibil, hiling ko para sa inyong lahat ang kaligayahan at kasaganahan ngayong Pasko at sa darating na bagong taon. Mabuhay po kayo!” dagdag pa ni Nograles. RNT

Previous article1,000 loaf bread ipinamahagi ng PRC Malabon Chapter
Next articleIsang biktima ng araro ng SUV sa BDO, namatay na