Home NATIONWIDE Lipat-bakod ng mga mambabatas asahan pa sa Kamara

Lipat-bakod ng mga mambabatas asahan pa sa Kamara

MANILA, Philippines – Kasunod ng pagbibitiw sa PDP-Laban ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr, asahan pa na marami pang mambabatas ang gagaya sa naging hakbang nito at lilipat ng ibang political party.

“We always toe the line with regards to the direction of the leadership.I’m sure that in the coming weeks there will be more shifting or political alignments,” pahayag ni Surigao del Sur 2nd District Rep. Johnny Pimentel.

Si Pimentel ang Deputy secretary general ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Ang PDP Laban ay ang partido ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Pimentel, ang PDP-Laban ay mayroon na lamang 27 miyembro sa Kamara mula sa 65 miyembro nang magbukas ng sesyon habang ang Lakas-Christian Muslim Democrats or Lakas-CMD sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez ay mayroon nang 75 miyembro mula sa dating 20 miyembro.

Matatandaan na si Gonzales na nagsisilbing party treasurer ng PDP-Laban ay nagbitiw sa partido kasunud ng Duterte na bulok na institusyon ang Kamara. Gail Mendoza

Previous articleSpecial election sa NegOr ipinagpaliban
Next articleMga biktima ng Super Typhoon Yolanda, alalahanin – PBBM