Home METRO Lisensya ng may-ari, drayber sa Mandaluyong SUV crash sinuspinde ng LTO

Lisensya ng may-ari, drayber sa Mandaluyong SUV crash sinuspinde ng LTO

MANILA, Philippines – Naglabas ng show-cause order ang Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) laban sa drayber at may-ari ng sports utility vehicle na nasangkot sa road crash incident sa Mandaluyong City.

Sa pahayag ng LTO-NCR, kapwa sinuspinde na ang driver’s license ng mga ito sa loob ng 90 araw.

Ang road crash incident, na nag-viral online, ay naganap noong Disyembre 23, 2023 sa EDSA corner United Street, Barangay Highway Hills, Mandaluyong City.

Sa show-cause order na inisyu ni Regional Director Roque Verzosa III, inooblia ang drayber at may-ari ng Mitsubishi Montero na ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat panagutin sa paglabag ng mga sumusunod na batas:

• Section 48 (Reckless Driving) of R.A. 4136 in relation to Rule I-e (Reckless Driving) of JAO No. 2014-01
• Section 27 (a) (Improper Person to Operate a Motor Vehicle) of R.A. 4136
• Rule II (a) (Driving an Unregistered Motor Vehicle) of JAO No. 2014-01
• Section 55 (Duty of driver in case of accident) of R.A. 4136

Hindi rin umano rehistrado ang sasakyan nang mangyari ang insidente.

Inatasan na ang may-ari at drayber na humarap sa LTO-NCR Regional Office sa Enero 4, 2024, kasama ang notarized affidavit na nagpapaliwanag kung bakit hindi sila dapat panagutin sa mga nabanggit na violation.

Sa incident report ng Philippine National Police Mandaluyong Station 2, bumangga ang Mitsubishi Montero sa fast lane ng EDSA at naabutang natutulog sa loob.

Nang katukin ang pintuan ng sasakyan, nagising ang drayber at saka humarurot palayo. Nabangga pa nito ang isang “Raina Frances Cada” at saka nagpatuloy sa pagharurot.

Nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in physical injury at paglabag sa Republic Act 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013 ang drayber. RNT/JGC

Previous articleShari’ah Bar exams, computerized na rin!
Next articleUlat ng AFP sa humihinang NPA, pinasinungalingan ng CPP