Home METRO Lisensya ng truck driver na kumitil sa buhay ng 4 na bata...

Lisensya ng truck driver na kumitil sa buhay ng 4 na bata sa aksidente, sinuspinde ng LTO

MANILA, Philippines – Sinabi ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na iniutos nito ang 90-araw na preventive suspension ng driver’s license ng isang truck driver na sangkot sa isang aksidente sa kalsada sa Pampanga na ikinasawi ng apat na menor de edad na magkakapatid.

Ayon kay Mendoza na magiging epektibo ang preventive suspension ng driver’s license ng driver ng Isuzu Forward Truck hanggang sa oras na matapos ang imbestigasyon ng LTO-Central Luzon sa pamumuno ni Regional Director Ronnie Montejo.

Sa kanyang panig, sinabi ni Montejo na may inilabas na Show Cause Order laban sa driver ng Isuzu Forward truck na residente ng Himalayan City sa Negros Occidental.

Batay sa ulat na ibinigay ng lokal na pulisya sa LTO-Central Luzon, sakay ang lahat ng mga biktima sa isang kolong-kolong (isang uri ng tricycle na ginagamit sa pagkarga ng mga materyales) na minamaneho ng kanilang ama nang mangyari ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi noong Nobyembre 22 sa Porac-Angeles Road Brgy. Manibaug Pasig, Porac, Pampanga.

Nasa gitna ng kalsada ang kolong-kolong at naghihintay ng pagkakataong lumiko sa kaliwa pauwi nang mabangga ito ng Isuzu Forward truck mula sa likuran.

Ang kolong-kolong ay minamaneho ni Edmond Canlapan kasama ang kanyang apat na anak, nasa edad 2 hanggang 10, bilang kanyang mga pasahero.

Dahil dito, inokupahan ng kolong-kolong ang tapat ng kalsada kung saan nabundol ang tricycle ng dump truck.

Dalawa sa mga bata ang namatay on the spot habang ang dalawa pa ay binawian ng buhay sa malubhang pinsala sa isang ospital. Santi Celario

Previous article60K fans ang nagtipon sa concert ng NCT 127 sa Seoul
Next articleLong-term solution sa malnutrisyon, ipinanawagan