Home ENTERTAINMENT Liza, nagtatayo na ng sariling production company! ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Liza, nagtatayo na ng sariling production company! September 19, 2023 09:37 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Liza Soberano has a lot on her plate these days. Pinasok na rin kasi ng aktres ang content creation. Meron na rin siyang Liza in Korea series pero hindi Liza bilang aktres ang mapapanood ng kanyang mga tagahanga. Hindi ipinagkakaila ni Liza na may kinalaman ito sa actors’ strike sa Hollywood kung kaya’t focused muna siya ngayon sa paglikha ng content. Aminado si Liza na malakas ang naging impact sa kanya ng Korea. For one, memorable ang pelikula nila noon ni Enrique Gil na My Ex and Whys which was filmed in Korea. This was followed in 2019 when Liza flew to Korea alone for the BTS concert. In the movie, nasaksihan daw niya mismo ang collaborative work sa pagitan ng Star Cinema at ng isang Korean company. Pansin niya how fast Koreans work, na sana’y makuha niyang i-adopt. Just when some people think na ‘yun lang ang pinagkakaabalahan ni Liza, well, hear this out. Truth be told, Liza is in the middle of putting up her own production company. May mga business partners daw siya mula sa Korea at sa Amerika. Becauss of this, Liza will fly more often to Korea to attend business meetings. Ang kausap niya kasi roon ang siyang babalangkas ng script. Kunsabagay, kay Liza na rin nanggaling na at the age of 30, she prefers to take on production work. While all this is shaping up ay nahingan ng comment ang dating manager ni Liza na si Ogie Diaz ng kanyang mga kapwa hosts sa Ichika Mo Na, Dali! “Well, good for her!” ang walang kagatul-gatol na reaksyon ni Ogie. “Bakit sa ilong lumabas?” pangangantyaw naman ng kanyang co-host. Ronnie Carrasco III