Home ENTERTAINMENT LJ Reyes, ikinasal na!

LJ Reyes, ikinasal na!

New York, USA – Mrs. Phillip Evangelista na si LJ Reyes.

Ikinasal ang Starstruck alumna kay Phillip Evangelista nitong October 7, Sabado (US time).

Naganap ang kanilang pag-isang-dibdib sa The Bevin House sa New York.

Ang puting bridal gown na isinuot ni LJ had a flowing silhouette, sweetheart neckline and lace embellishments.

Pagdating naman sa wedding reception, inilugay ng kanyang stylist ang kanyang buhok to her side.

Bumiyahe pa ang beauty team ni LJ all the way to New York para lang sa kasal ng dating aktres.

Matatandaang naging laman ng social media headlines si LJ nang ianunsyo niya noong May 2022 na engaged na sila ni Phillip.

Matagal-tagal ding walang balita tungkol kay LJ nang magpasya itong manirahan sa New York noong August 2021.

Ito’y makaraang pumutok ang balitang naghiwalay na sila ni Paolo Contis.

LJ has a daughter named Summer by Paolo.

Previously, nakarelasyon niya si Paulo Avelino, father of her son Aki.

Sa isang lumang panayam kay Paolo, sinabi niyang masaya siya para sa dating partner “who deserves to be happy.” Ronnie Carrasco III

Previous articleTaal vog humupa na
Next articleVP Sara kasuhan vs CIFs, ‘kung may ebidensya kayo’ – Bato