Home NATIONWIDE Loan centers na iniuugnay sa Malasakit Program Office peke – DOH

Loan centers na iniuugnay sa Malasakit Program Office peke – DOH

MANILA, Philippines- Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na maging maingat kaugnay sa mga mapanlinlang na Facebook page na umano’y kabahagi ng Malasakit Program Office at nagpo-promote ng mga non-existent loan centers.

Binanggit ng DOH na ang naturang page ay mapanlinlang at hindi konektado sa Malasakit Center.

“The said page is FAKE, and is not in any way or form affiliated with the Malasakit Center,” sinabi ng DOH habang binibigyan-diin ang kahalagahan ng pagberipika sa impormasyon mula sa mapakakatiwalaang source.

Bukod dito, nagbabala rin ang DOH na gagawa ng legal na aksyon laban sa mga responsable sa pagpapatuloy ng mga maling pahayag.

“Criminal charges may be pressed if related post/s shall persist,” ayon sa DOH.

Mariing hinikayat ng DOH ang publiko na kumuha ng impormasyon mula lamang sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan tulad ng mga opisyal na link nito at mga social media channel upang matiyak ang katumpakan at katotohanan ng mga post nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleKelot, amain tiklo sa P1.2M shabu
Next article‘Bribed initiative’ sa Charter Change, pinaiimbestigahan ni Pimentel