Home NATIONWIDE “Lobbying money” sa pag-apruba sa economic provisions pinasinungalingan ng solon

“Lobbying money” sa pag-apruba sa economic provisions pinasinungalingan ng solon

MANILA, Philippines – Tinuring ni House Deputy Majority Leader at Mandaluyong City Rep Neptali Gonzales na isa lamang “scare tactic” ang pagpapalutang na may lobbying money sa oras na maipasa ang katagang “unless otherwise provided by law” sa gagawing amendment sa1987 Constitution.

“Pananakot lang ‘yan eh. The law should not remain static, as it must evolve to address the present conditions and needs of the country” pahayag ni Gonzales.

Ang reaksyon ni Gonzales ay kasunud ng naging pahayag ni Bayan Muna chairperson Neri Colmenares na dadagsa ang lobbying money sa oras na maipasa ang isinusulong na pagbabago sa Saligang Batas.

Isa sa pangunahing target sa gagawing economic reforms ay ang paglimita sa foreign ownership na kasalukuyan ay nasa 40%.

Sinabi ni South Cotabato 2nd District Rep. Peter Miguel na walang masama sa paglalagay ng katagang “unless otherwise provided by law”.

“‘Yung phrase na ‘unless otherwise provided by law’ sa tingin ko perfect po ‘yan na phrase, in fact. Dahil in the context of globalization, kailangan natin ang Congress may leeway, kahit paano may legroom to make laws that are adaptable to changes that are more competitive,” ani Miguel.

“So ‘pag may ‘unless otherwise provided by law,’ we’re giving the Congress a more exhaustive, deliberative, detailed manner of creating a law that would be suited for global competition,” dagdag pa nito.

Para naman kay Davao Oriental 2nd District Rep. Cheeno Miguel Almario mas lalawak ang pagpasok ng investments kung magkakaroon ng “degree of flexibility” sa Saligang Batas.

Gayundin ang opinyon ni Anakalusugan Partylist Rep Ray Reyes, aniya, ang ganitong phrase sa Saligang Batas ay para sa hinaharap na panahon.

“By establishing these qualities, we’re setting up a framework for future Congresses to adjust according to the needs of the times,” paliwanag ni Reyes.

Iginiit ng mga mambabatas na ngayon na ang tamang panahon para maging bukas ang bansa sa pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan lalo at napag iiwanan na ang Pilipinas dahil sa limitasyon sa pamumuhunan. Gail Mendoza

Previous articleTaiwan nagdonate ng P11.2M sa Davao na binayo ng sakuna
Next articleSurigao del Sur niyanig ng M-5.3 lindol!