Home METRO Lockdown sa ilang bayan sa Cavite dahil sa pertussis ‘di totoo

Lockdown sa ilang bayan sa Cavite dahil sa pertussis ‘di totoo

MANILA, Philippines – Inihayag ng Office of the Provincial Health Officer ng Cavite na walang katotohanan ang mga kumakalat na balita na magkakaroon ng lockdown sa ilang bayan sa Cavite dahil sa pertussis.

Ayon sa OPHO, fake news ito at ang mayroon lamang ay ang idineklarang state of calamity sa probinsya dahil sa pertussis outbreak.

Matatandaan na noong Huwebes, Marso 28 ay inilabas ang Provincial Resolution No. 3050-2024 na nagdedeklara ng state of calamity sa buong probinsya ng Cavite dahil sa nasabing sakit.

Pinapayagan na ng Sangguniang Panlalawigan ng Cavite ang paggamit ng P40 milyong Quick Response Fund upang magamit sa pagtugon sa outbreak.

Ayon sa Department of Health, lubhang nakakahawa ang pertussis na naipapasa sa pamamagitan ng droplets mula sa pag-ubo o pag-bahing. Margie Bautista

Previous articleP3M tanim na marijuana sa Kalinga, sinira ng mga awtoridad
Next articleMagsasaka nalunod sa irrigation canal sa Nueva Vizcaya