Home NATIONWIDE Locsin nag-sorry sa tweet sa mga batang Palestinian

Locsin nag-sorry sa tweet sa mga batang Palestinian

MANILA, Philippines- Humingi ng paumanhin si Special Envoy of the President to China Teddy Locsin Jr. para sa kanyang kontrobersyal na tweet kung saan nakasaad, “Palestinian children should be killed,” na ipinaliwanag niyang “sarcastic response” niya sa isa pang post.

“My apologies to those who did misconstrue my sentiments and did in fact get triggered,” ani Locsin sa bago nitong tweet.

“I obviously was not advocating for the literal death of anyone, but rather simply for the end of any ideology that condones terrorism in any way, shape or form,” dagdag niya.

Tugon ang naunang tweet ni Locsin sa isa pang X, dating Twitter, user na nagsabing niligaw ang Palestinians ng Hamas leaders upang makilahok sa “perilous activities like stone-throwing.”

“That’s why Palestinian children should be killed; they might grow up to be gullible as innocent Palestinians letting Hamas launch rockets at Israel; not that they could stop them but that’s no excuse. They are Muslims. They could stage mass suicide attacks against Hamas until the latter ran out of bullets,” ani Locsin sa buradong tweet.

Sumiklab ang kaguluhan sa Israel noong Oct. 7 nang pasabugan ng Palestinian militant group Hamas ng rockets ang Israeli territory.

Hanggang nitong Oct. 17, mahigit 1,400 ang naitalang nasawi sa Israel at mahigit 3,000 biktima naman ang naiulat sa Gaza.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs ang pagkasawi ng apat na overseas Filipino workers sa giyera. RNT/SA

Previous articleSeguridad sa BARMM paiigtingin para sa BSKE
Next articleImelda, nag-throwback; Inagawan ng mic, hindi pinakanta!