Home METRO Lola, huli sa pagtutulak ng droga

Lola, huli sa pagtutulak ng droga

SANTIAGO CITY, Philippines – Huli sa pagtutulak ng illegal na droga ang isang lola sa isinagawang buybust operation ng pulisya sa Purok 1, Calao East, Santiago City.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Christopher Danao, Chief Intelligent Unit o CIU ng Santiago City Police Office o SCPO kay PCol. Tirso Manoli, City Director ng SCPO ang suspek ay kinalalang si Girlie Albino Acorda, 60-anyos at residente ng Purok 1, Calao East, Santiago City na kabilang sa Street Level Individual o SLI drug personality.

Narekober sa pag-iingat ng suspek ang dalawang pakete ng pinaniwalaang shabu na tumitimbang sa halos mahigit kumulang 0.22 gramo na nagkakahalaga ng Php 1,496.00, marked money genuine P500 at P1,000 boodle money (buy bust money) at isang Realme android cellular phone.

Nahaharap ang lola sa kasong R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco

Previous articleP600K shabu, baril nasamsam sa 2 suspek
Next articleAnak patay, ama sugatan sa holdaper