Lola sa Cuba, gumawa ng unique panangga vs. COVID-19

Lola sa Cuba, gumawa ng unique panangga vs. COVID-19

June 24, 2020 @ 2:14 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Cuba – Isang lola sa Cuba ang gumawa umano ng sariling panangga laban sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 na tila robot na naglalakad na karton.

Kinilala ang 82-anyos na si Feridia Rojas na sa tuwing lumalabas ng bahay ay nakasuot nito upang mamili ng kaniyang kailangan.

Sa larawang kumalat sa social media, may butas sa harap ang karton na inilagay si Rojas ng para makita niya ang kanyang nilalakaran.

Hanggang sa binti ang abot ng karton at may butas sa magkabilang bahagi ng kaniyang braso.

Sinasabi ng mga eksperto na mas peligroso ang mga nakatatanda kapag dinapuan ng COVID-19.

“This is my little house. I use it to run errands that are a little further away, and I feel protected by it, which is why I use it,” saad ni Rojas.

“I was afraid of the asymptomatic cases, that they would cough at the moment I passed by. So I thought, I’ll do a little house with a cardboard box and wear it,” dagdag pa nito.

Bilib naman ang nakakikita kay Roxas na nakasuot ng naturang panangga. RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...