Home METRO Lola tinodas sa mantika

Lola tinodas sa mantika

Bulacan – Patay ang isang 60-anyos na babae matapos saksakin sa dibdib ng lalaking naka-argumento niya sa mantika sa bayan ng Pandi.

Kinilala ang suspek na si Rolando Dela Cruz, nasa hustong gulang habang ang biktima ay si aling Benedicta Gandang, residente ng Brgy. Siling Matanda.

Sa report ng pulisya, nangyari ang insidente bandang 6:00 ng hapon nitong Pebrero 22 sa nabanggit na lugar.

Ayon sa report, bandang 1:00 ng tanghali ay tinungo pa ng kasintahan ang kanyang kinakasamang si aling Benedicta at ang suspek para awatin dahil nagtatalo umano sa mantika.

Inakala ng kinakasama na naayos niya ang pagtatalo o sigalot ni Benedicta at Rolando kaya bumalik na siya kanyang trabaho bilang watchman sa isang paaralan.

Sinasabing banda 6:00 ng gabi ay natagpuan ng hindi pinangalanang kinakasama ang kanyang kasintahang biktima na duguan at wala nang buhay sa kanyang kama.

Nabatid sa report, na may mga concerned citizen na nakakitang nagmamadaling sumakay ng pampasaherong dyip ang suspek na si Rolando bitbit ang bagahe patungo sa direksyon ng bayan sa Balagtas.

Patuloy ang follow-up at dragnet operation ng pulisya sa naturang insidente. Dick Mirasol III

Previous articleSabi ng feng shui expert: Kim at Paulo, di swak!
Next articleMaja, aminadong sinasaltik!