Home METRO Lola utas sa van

Lola utas sa van

340
0

ECHAGUE, ISABELA – Patay ang isang lola matapos na mabangga ng isang utility o pampasaherong van sa gilid ng daan sa Barangay Soyung, Echague, Isabela.

Ayon kay PMaj Rogelio Natividad, hepe ng Echague Police Station na ang biktima ay si Antonia Ibay, 75 anyos at residente ng Purok 6, Caloocan, Santiago City.

Habang ang tsuper ng Foton utility van ay si Jonel Daquioag, 43 anyos at residente ng Zone 2, San Mariano, Isabela.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Echague Police station na isang bus na papuntang Santiago City ang nag-overtake sa van na gumilid ngunit hindi napansin ang lola na nasa gilid ng daan.

Advertisement

Pumailalim sa van ang lola na nagtamo ng malalang sugat sa katawan na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Ayon kay PMaj Natividad, sinabi ng driver na madilim sa lugar at nabigla ito nang malaman na may nabanggang pedestrian. Rey Velasco

Previous articlePuto vendor patay sa tambang
Next articleFrontal system, southwesterly wind flow magpapaulan sa bansa

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here