Home METRO Lolang mag-isa sa bahay, patay sa sunog sa Cavite

Lolang mag-isa sa bahay, patay sa sunog sa Cavite

MANILA, Philippines – Patay ang isang lola na mag-isa nang masunog ang kanilang bahay sa residential area sa Barangay Niog 1, Bacoor City, Cavite nitong Sabado, Pebrero 17.

Sa ulat, bedridden ang senior citizen.

Ani FO2 Ricky Gahisan sa isang phone interview ng ABSCBN, walang nagsabing naiwan sa loob ng kanilang bahay ang senior citizen kaya nakatutok lamang ang mga bumbero sa pag-apula ng apoy.

Naipaalam na sa mga kaanak ng biktima ang nangyari.

Kaugnay nito, nasa 25 pamilya ang apektado ng sunog at aabot sa P250,000 ang halaga ng pinsala sa ari-arian ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) – Bacoor.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na tumupok sa 20 tirahan. RNT/JGC

Previous articleLalaki patay sa baril ng staff ng industrial park sa Laguna
Next articleTop 10 MWP nalambat sa Pasay