Home ENTERTAINMENT Lolit, bet ibigay ang kidney donor sa nanay ni Yasmien!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Lolit, bet ibigay ang kidney donor sa nanay ni Yasmien!August 14, 2023 11:44 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Sa kanyang kolum (hindi rito sa Remate Online) ay puring-puri ni Lolit Solis ang alaga niyang si Yasmien Kurdi.Mas gumanda raw ito ngayon kahit isa nang ganap na ina.Bale, masasabing partida pa ‘yan given the severity of problems na kinakaharap ngayon ni Yasmien.Of late, na-confine ang ina niyang si Miriam sa National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City.Sa ngayon, sumasailalim sa hemodialysis si Miriam who was already discharged from the hospital.Still, kumakatok pa rin si Yasmien sa mga taong may mabubuting puso.Yasmien’s mom badly needs a kidney donor.By some twist of fate, nag-a-undergo rin ng hemodialysis si Lolit.Twice a week siyang pumupunta sa FEU Hospital.Mahigit isang taon na ring sumasailalim si Lolit sa procedure na ito.Masuwerte nga lang siya’t dumarating ang pinansysal na tulong even if she doesn’t ask for it.Sa rami nga ng natatanggap niyang tulong, kahit 10 lifetimes pa’y secure na ang kanyang dialysis.Lolit hardly spends on the procedure ni singkong duling.What’s more, may mga nag-aalok din na sagot na nila whatever it entails to have her go through kidney transplant.Pero mismong si Lolit na raw ang umayaw dito, saying na matanda na raw siya.Magkakasya na lang daw siya sa dialysis.Nabalitaan ng Remate Online na willing ipasa ni Lolit ang alok na kidney donor sa kanya sa ina ng alaga.That is, kung ka-match ito ng bato na kailangang i-transplant kay Miriam.Of Lolit’s wards, si Sandy Andolong ay dumanas din ng kidney problem that needed her to undergo transplant.The procedure turned out to be a success dahil in no time ay nakabalik din si Sandy sa trabaho. Ronnie Carrasco III