Home ENTERTAINMENT Lolit, umuusok sa galit, target si Kyline!

Lolit, umuusok sa galit, target si Kyline!

Manila, Philippines – Si Lolit Solis na rin ang maysabi that she can take a bullet for any of her talents lalo’t itinatangi niya ang mga ito.

Huwag magkamali ang sinuman na kantiin ang sinuman sa kanyang mga alagang artista, tiyak na may paglalagyan ka!

Ito ang nakaambang panganib sa buhay ni Kyline Alcantara.

Ang siste, naulinigan ni Lolit na nadadamay ang alaga niyang si Paolo Contis sa paghihiwalay nina Kyline at Mavy Legaspi.

Diumano, sinabihan daw ni Kyline na bad influence si Paolo kay Mavy.

Hayun, umuusok si Lolit sa galit kay Kyline.

Nagbanta ang manager na may kalalagyan daw ang singer in defense of her ward.

Hindi na bago ang mga kuwentong

“run-ins” sa mga artista o personalidad kapag ang involved ay mga alaga niya.

Kung matatandaan, “inaway” din ni Lolit si Janine Gutierrez dahil sa sarcastic post nito noon patungkol kay Bong Revilla.

Same thing with Cristy Fermin na pinitik din noon si Paolo, at maging si Lorna Tolentino.

Even if it doesn’t concern her talents ay nasa war path si Lolit.

Remember noong inetsa-puwera siya at ang dalawa niyang kaibigang reporter sa presscon para kay Bea Alonzo, hindi ba’t hindi niya tinantanan ang aktres?

Nadamay pa nga pati ang manager ni Bea na si Shirley Kuan na dati niyang co-member sa talent managers’ group na PAMI, that led to her expulsion?

Here comes Kyline this time.

Marami ang nagpapayo kay Kyline na huwag na lang pansinin si Lolit lalo’t kung wala namang katotohanan ang paratang nito.

Unawain na lang daw ni Kyline si Lolit kesa masabing wala siyang galang sa mga taong nakakatanda sa kanya.

Sa edad ni Lolit, kalabisan nang sabihin sa kanya that she’s crossing the line dahil alam niya mismo ‘yon.

Wala rin namang magandang idudulot sa career ni Kyline kung makikipagbardagulan siya kay

Lolit….

Na feeling high and mighty! Ronnie Carrasco III

Previous articlePinsala sa shear line umabot na sa P136M
Next articleColmenares nanawagan sa mga senador, people’s initiative labanan sa lokal na lebel