Home METRO Lolo ibinalibag mula 2nd Floor, dedbol!

Lolo ibinalibag mula 2nd Floor, dedbol!

ILOCOS SUR – Tigok ang isang 74-anyos na lolo matapos buhatin at ihulog mula sa 2nd Floor ng Vigan City Public Market nitong Sabado ng umaga (Enero 13).

Ang biktima ay residente ng Brgy. Pantay Fatima ng naturang lungsod.

Ayon sa pulisya, ang suspek ay 22-anyos na lalaki, walang asawa, residente ng Brgy. Tay-ac, Bantay, Ilocos Sur.

Base sa pahayag ng witness na nakausap ng mga personnel ng Vigan City Police Station, nakita nito ang suspek at ang biktima na nag-uusap sa ikalawang palapag ng naturang public market.

Nakita rin nito nang biglang buhatin ng suspek ang biktima at saka inihulog ito sa first floor.

Pagkatapos nito ay mabilis umanong tumakas ang suspek ngunit agad namang itong naaresto sa ikinasang hot pursuit operation ng mga otoridad.

Tinangka namang i-revive ng mga rumespondeng personnel ng CDRRMO ang biktima.

Gayunman ang biktima ay idineklarang dead on the spot ng umatending doktor. Rolando Gamoso

Previous articleDOTr tutulong sa paghahanap ng trabaho sa unconsolidated jeep drivers
Next articleHoldaper nakipaghabulan sa mga parak, binaril sa binti