Home METRO Lolo kinatay sa kalsada sa Cagayan

Lolo kinatay sa kalsada sa Cagayan

SOLANA, Cagayan – Wala nang buhay na naliligo sa sariling dugo ang isang lolo matapos na pagtatagain ng hindi pa nakilalang suspek sa bahagi ng kalsada sa Andarayan South, dito sa nabanggit na bayan.

Nakitang nakahandusay dakong alas-6 ng umaga sa bahagi ng barangay road ang biyudong biktimang si Vicente Batang y Zinampan, 64-anyos na residente sa nasabing lugar.

Nagtamo ng mga taga sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ng biktima na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.

Dinala ang bangkay ni Batang sa isang punerarya sa Linggo sa naturang bayan.

Hanggang sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ang pamunuan ni PLtCol. Romeo Pillos Jr., hepe ng Solana Police Station kung sino ang nasa likod ng nasabing krimen. Rey Velasco

Previous articleVice Ganda, ‘nagalit’ sa staff ng fastfood!
Next articleTibo binaril ng karibal