Home METRO Lolo nahulog sa kanal, dedbol!

Lolo nahulog sa kanal, dedbol!

ILOCOS SUR-Isa nang malamig na bangkay ang isang 67-anyos na lalaki matapos mahulog sa concrete canal sa Sitio Turod, Brgy. Allangigan 2nd, Candon City ng lalawigang ito.

Kinilala ng Candon City Police Station ang biktima na si Manuel Gauran y Gapay, biyudo, STL agent, residente ng naturang lugar.

Bandang 7:15 ng umaga kahapon ay nakatanggap ang Candon CPS ng phone call mula kay Richard Mangay-ayam tungkol sa nakita nitong bangkay ng lalaki sa loob ng concrete canal sa tabi ng kalsada.

Ayon sa isang saksi na si Mr. Nestor Bautista y Leste, bandang 8:00 ng gabi ng January 21 ay nakita nito ang biktimang lasing na naglalakad sa may covered court ng Brgy. Sto. Tomas papuntang Allangigan 2nd.

Sa pag-uwi nito sa Allangigan 2nd ay hinihinalang nahulog ang biktima sa concrete canal na may lalim na 7 feet kaya nagtamo ito ng head injury na ikinamatay nito. Rolando S. Gamoso

Previous articleSK kagawad hiniwalayan ng dyowa, nagpakamatay
Next articleKelot na umiihi tigok sa tuklaw ng kobra