Home METRO Lolo patay sa kalugar dahil sa abaca

Lolo patay sa kalugar dahil sa abaca

CATANDUANES- PINAGTATAGA-patay ang isang lolo ng kanyang kalugar matapos umanong hindi magkasundo sa pagbebenta ng abaca fiber, Huwebes, Enero 25 sa bayan ng Gigmoto.

Kinilala ang biktimang si Domingo Estrella, residente ng Barangay Mabini, Viga, Catanduanes habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si si Elvis Pupa, 31 anyos, residente ng Barangay Sicmil, Gigmoto.

Batay sa report ng Gigmoto Municipal Police Station, bandang 2:00 PM nakatanggap sila ng report hinggil sa naturang krimen.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ay nakita na lamang nila ang biktima na naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay sanhi ng taga sa iba’t ibang parte ng katawan.

Kwento ng mga kapitbahay ng biktima, nakita nila ang suspek na naglalakad pauwi sa bahay nito na may bitbit na itak at puno ng dugo ang suot na damit.

Tinungo naman ang bahay ng suspek at inamin nito ang ginawang krimen.

Depensa ng suspek sa pulisya, nagtalo sila ng suspek dahil sa abaca fiber na pinagpipilitan umano ng biktima na ibenta subalit hindi ito pumayag dahil kakaunti pa lamang na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Sinabi pa ng suspek na pinagbabantaan siya ng biktima na tatagain kaya inunahan na niya ito.

Inihanda na ang kasong isasampa laban sa suspek. Mary Anne Sapico

Previous articleLibreng tubig mula sa sikat ng araw, binuksan ng gobyerno sa Bulacan
Next articleMagkaibigan lumutang sa dagat