iLOCOS SUR- Patay ang isang lolo matapos masagasaan ng kotse habang minamaneho nito ang kanyang motorsiklo noong Biyernes sa bayan ng Bantay.
Kinilala ang biktimang si Wilfreda Pio Guzman, 63-anyos at residente ng Barangay San Julian, Magsingal, Bantay Ilocos Sur.
Sumuko naman sa pulisya ang driver ng kotse na kinilalang si Ysraelle Mendoza Savella, 23-anyos, residente at SK Chairman ng Barangay Quezon, Cabugao
Batay sa report ng Bantay Municipal Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang Yamaha 125 motorcycle at binabaybay ang kalsadang sakop ng Barangay Guimod, Bantay, Ilocos Sur
Subalit, bigla na lamang napunta sa kabilang linya ang motorsiklo ng biktima dahilan para mabangga ito ni Savella at tumilapon sa kalsada.
Agad namang isinugod sa Northside Doctors Hospital ang biktima subalit idineklara na rin itong patay ng umatending doktor.
Sinabi ng pulisya na maglalakad ng death certificate ang biktima ng nakaburol nitong ama at posibleng wala itong tulog nang mangyari ang aksidente.
Sa ngayon hinihintay na lamang ang desisyon ng pamilya ng biktima kung magsasampa ng kaso laban kay Savella. Mary Anne Sapico