Home METRO Lolo patay sa sunog sa Olongapo

Lolo patay sa sunog sa Olongapo

MANILA, Philippines – Patay ang isang lolo matapos na ma-trap sa bahay na tinutuluyan niya at ng kanyang asawa sa Olongapo City nitong Linggo, Abril 28.

Kinilala ang nasawi na si Mario Casaway, isang senior citizen na residente ng Barangay Gordon Heights.

Hindi makalakad si Casaway bago ang insidente.

Samantala, nagtamo ito ng matinding sunog sa katawan na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakita na nagluluto ang asawa ni Casaway malapit sa pintuan nang bigla na lamang nilamon ng apoy ang lugar at kaagad na kumalat sa kanilang barong-barong.

Dahil sa health condition, hindi na nagawa pang makalabas ni Casaway habang niligtas naman ng mga kapitbahay ang kanyang misis.

Nagawa namang maapula ng mga bumbero ng barangay ang sunog. RNT/JGC