Home METRO Lolo patay sa suwag ng alagang baka

Lolo patay sa suwag ng alagang baka

MANILA, Philippines- Binawian ng buhay 81-anyos na lolo sa Bangued, Abra matapos suwagin ng alagang baka sa tapat ng kanilang bahay.

Batay sa ulat nitong Miyerkules, kinilala ang biktima na si Julio Vilguera, residente ng Barangay Sawatan.

Inihayag ng asawa ng biktima na hinihila ng mister ang baka sa tapat ng kanilang bahay nang bigla itong suwagin ng hayop.

Sinabi pa niya na tinapakan umano ng baka ang biktima dahilan upang magtamo ito ng malalang pinsala sa ulo.

Dinala agad sa ospital si Vilguera subalit namatay din ito.

Batay sa ulat, anim na taon nang alaga ng biktima ang baka na plano na sanang ibenta. RNT/SA

Previous articleCBCP: Pagkamatay ni Jemboy ‘di aksidente kundi ‘murder’
Next articlePapel ng Japan sa pagpapanatili sa katatagan ng WPS, kinilala ni PBBM