Home METRO Lolo patay sa tuklaw ng ‘king cobra’

Lolo patay sa tuklaw ng ‘king cobra’

Image Representation Only

DALAGUETE, Cebu- NAKABULAGTA at wala ng buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa gubat matapos umanong matuklaw ng hinihinalang ‘king cobra’, Martes sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Maximo Millan, 64, at residente ng Barangay Babayongan, Dalaguete.

Ayon kay Police Staff Sergeant Howard Maynopas, imbestigador ng Dalaguete Police Station, bandang 6:00 AM nakatanggap sila ng report hinggil sa pagkakadiskubre ng bangkay ng biktima sa nasabing lugar.

Sa pagresponde ng mga pulis sa naturang lugar, nakitaan ng mga kagat ng ahas sa paa ang biktima na posibleng kagat ng malaking ahas na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Nabatid, na mangunguha lamang sana ang biktima ng mga damo para ipakain sa mga alaga nitong kambing./Mary Anne Sapico

Previous articleMagkalaguyong kawani ng munisipyo, huling hubo’t hubad
Next articleHabal driver na tulak arestado sa P.3M droga