Home METRO Lolo rider todas sa rumagasang agos sa creek

Lolo rider todas sa rumagasang agos sa creek

Bulacan – Patay na nang matagpuan ang lolo na motorcycle rider matapos tangayin ng rumaragasang agos sa isang creek sa kasagsagan ng ulan bayan ng Norzagaray.

Ayon sa Facebook post ng apo ng biktima na nagviral, nanawagan siya na baka sakaling may nakakita sa tinawag niyang Lolo Along na tinangay ng rumaragasang tubig bandang 6:00 ng gabi nitong Linggo sa Brgy. FVR.

Sinasabing sinubukang isalba ng rider ang kanyang motorsiklo na gamit sa kanyang mga pagdeliver ng mga oras na iyon subalit tinangay sila ng rumaragasang agos.

Base sa isang post, natagpuan na ang katawan ng biktima bandang 11:00 ng gabi ng araw na iyon sa madamong lugar ng Brgy. Tigbe nang humupa ang tubig.

Bumuhos ang pakikiramay ng mga netizen sa naturang post para sa naiwang mahal sa buhay ng biktima. Dick Mirasol III