Home METRO Lolo sinapak ng apo todas!

Lolo sinapak ng apo todas!

MANILA, Philippines- Patay ang isang 81-anyos na lolo matapos suntukin ng kanyang apo na umano’y nasasangkot sa ilegal na droga.

Kinilala ang biktima na si Jesus Rivera y Rodel, residente sa 1858 Oro B St., Barangay 770, Sta .Ana, Manila.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, napansin ng kapitbahay na si Donna Marie na lumabas ng bahay ang biktima habang pinagmumura ang kanyang apo at suspek na si Reymart Tanghal, 27 taong gulang.

Ilang sandali pa, lumabas na rin ang suspek sa nasabing bahay at saka sinuntok ang kanyang lolo hanggang sa bumagsak ito sa sahig.

Nagawa pang bumangon ng biktima ngunit itinulak ito ng apo dahilan para humampas ang ulo nito sa pader.

Ayon pa sa imbestigasyon, kahit wala nang buhay ang biktima ay paulit-ulit pa rin siyang pinagsusuntok ng suspek.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga awtoridad para madakip ang suspek na tumakas matapos ang ginawang krimen. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBong Go sa publiko ngayong Holy Week: Ingat sa biyahe, alagaan ang kalusugan
Next articlePinoy scientists sa Pag-asa Island ‘hinarass’ ng China aircraft – BFAR