Home METRO ‘Lolo’ timbog sa mga baril, bala sa Bulacan

‘Lolo’ timbog sa mga baril, bala sa Bulacan

Bulacan – Arestado ang isang 53 anyos na lalaki na nahulihan ng samut-saring baril at mga bala matapos silbihan ng Search Warrant (SW) ng pulisya sa bayan ng Pulilan.

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek sa alyas na “Lolo”, residente ng Brgy. Poblacion.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, isinilbi ang SW ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit, 1st PMFC SWAT Team, Regional Intelligence Unit 3, PIT Bulacan at Pulilan police bandang 5:45 ng hapon nitong Pebrero 16 sa nabanggit na lugar.

Narekober sa operasyon ang caliber 9mm pistol, Norinco na kargado ng magazine na may 10 bala nito, caliber 22 rifle Piranha, caliber .30 rifle carbin, air gun rifle with a compressed oxygen tank, magnum 22 revolver, dalawang 9mm-long magazine, tatlong caliber 30 magazines, dalawang caliber 45 magazines, 27 bala ng caliber 30, 33 bala ng caliber 45, pitong bala ng caliber 22 at 32 bala ng caliber 9mm.

Sinasabing ang imbentaryo ng mga awtoridad sa mga nahuling baril at bala ay dinaluhan ng mga Brgy. Officials kaharap ang suspek.

Ang suspek ay nasa kostudiya ng Bulacan Provincial Intelligence Unit na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591.(Dick Mirasol III)

Previous articleNigerian nat’l timbog sa pagbebenta ng droga
Next articleMatibay na kaso vs officials sa ‘biggest PH drug haul’ siniguro ng DOJ