Home METRO Lolong magsasaka timbog sa mga bala, basyo, granada sa Bulacan

Lolong magsasaka timbog sa mga bala, basyo, granada sa Bulacan

Bulacan – Syut sa kulungan ang magsasaka na umanoy nahulihan ng samut-saring bala, basyo at granada matapos silbihan ng Search Warrant (SW) ng pulisya sa bayan ng San Ildefonso.

Kinilala ng pulisya ang naarestong si Alejandro Inoncillo, 62, residente ng Sulucan St. Brgy. Upig.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo ni San Ildefonso chief of police PLTCOL. Russel Dennis Reburiano, isinilbi ang SW bandang 5:30 ng hapon nitong Enero 12 sa bahay ng paksa.

Ang SW ay inisyu ng Third Judicial Region, Regional Trial Court, Branch 81, City of Maolos, Bulacan nitong Enero 11 2024 patungkol sa Violation of RA 10591.

Narekober sa paghalughog ang 9 pcs live ammo for cal.45, 1 pc live ammo for undetermined caliber, 1 pc live ammo for cal 9mm, 3 pcs live ammo for cal. 30, 6 pcs mags for cal. 5.56, 1 hand grenade, 1 bandollier for cal. 5.56, 4 assorted pistol holster, 86 pcs empty shell for cal 45, 24 pcs pieces empty shell for cal 40, 129 pcs empty shell for cal 9mm, 17 pcs empty shell for cal 5.56 and 12 pcs empty shell for cal 30, 7 pcs empty shell for cal 38 and 1pc empty shell for cal 357.

Kasalukuyang nasa kostudiya ng naturang istasyon ng pulisya ang taong paksa para sa kaukulang dokumentasyon at wastong disposisyon.(Dick Mirasol III)

Previous articleBuling-Buling de Pandacan
Next articleLotto Draw Result as of | January 13, 2024