Home ENTERTAINMENT Lolo’t lola ni Malia, pinagtripan ni Pokwang!

Lolo’t lola ni Malia, pinagtripan ni Pokwang!

609
0

Manila, Philippines – Talagang uubusin ni Pokwang ang lahi ni Lee O’Brian sa galit niya rito.

Eto’t ang mga magulang naman ni Lee na si Bill at Marilyn ang pinagtripan ng komedyana sa kanyang Instagram noong isang araw.

Bale lumalabas na sina Bill at Marilyn ang mga lolo’t lola ni Malia, anak ni Pokwang kay Lee.

Nitong May 15, ibinida ng komedyana ang mga natanggap na package mula sa kanyang mga fans galing sa iba’t ibang bansa.

May mga galing din sa US, United Kingdom at UAE.

Literal na package deal ang mga ‘yon dahil damay rin si Malia sa nakatanggap.

Sa puntong ito nakahanap si Pokwang ng maibubutas sa mga grandparents ni Malia.

Post niya: “Buti pa ibang tao na hindi kadugo, kahit maliit na bagay lang, nakakaalalang magbigay.”

Inihalintulad ni Pokwang ang mga ito sa lolo’t lola ng anak na ultimo raw lampin o bigkis noon ay wala man lang naibigay.

“Tapos, sasabihin nila, mahal nila? Saan?!” himutok niya.

Binalikan din ni Pokwang ang panahong isinasama ni Lee si Malia sa Amerika.

Sagot daw ng komedyana ang two-way ticket ni Malia, na ibinabawas sa talent fee pag nagso-show siya sa Amerika.

Bagama’t maraming netizens ang nakaka-relate sa post ni Pokwang, may ilan ding tila pagod nang marinig ang kanyang mga hanash.

Sey ng isang netizen: “Stop being so negative!”

Knowing Pokwang, hindi maaaring hindi niya ito palampasin.

Sagot niya: “Sabihin mo rin kay Lee to stop being narcissistic at pa-victim. Tapos alis na siya rito!”

Ang tanong nga lang: pag bumalik na ba si Lee sa Amerika ay tatantanan na ba siya ni Pokwang? Ronnie Carrasco III

Previous articleStock ng bigas bumaba ng 7.5% noong Marso – PSA
Next articlePinto ng tren ng MRT, nagloko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here