Home OPINION LONG TERM SOLUTIONS SA VEHICULAR ACCIDENTS, KAILANGAN

LONG TERM SOLUTIONS SA VEHICULAR ACCIDENTS, KAILANGAN

ARAW-ARAW na halos laman ng balita ang mga aksidente sa kalsada. Sa katunayan, naglabas kamakailan ang Metro Manila Development Authority sa kanilang Facebook page ng isang Incident Summary Report at Major Roads Accident na nangyari lamang sa isang araw mula 6 AM hanggang 2 PM. Kabilang sa naturang ulat ang banggaan ng iba’t-ibang uri ng mga sasakyan na nagdulot ng injuries, property damage at pagkaantala ng daloy ng trapiko.

 

At hindi lang iyan, mas malaki ang epekto ng mga aksidenteng ito sa kabuhayan ng mga nasasangkot gayundin sa kanilang mga pamilya. 

 

Hindi man direktang apektado ng malalang aberya, magiging malaki rin ang epekto nito para sa naaabalang empleyado at negosyante.

 

Kaya mas mainam na pag-isipan ng mga mambabatas at iba pang awtoridad ang pangmatagalang solusyon para maabot natin ang ‘zero accident’ at mapanatili ang ligtas na kalagayan at bawat interes ng lahat.

 

Maaaring simulan ito sa pagsilip sa kasalukuyang batas na nauukol tulad ng RA 4136 o Land Transportation and Traffic Code, iba pang batas at mga kaakibat na implementing rules and regulations. Ang tanong ng isa sa ating mga kaibigan, “may mga batas na sa trapiko, mayroon pa bang kulang?”Patanong din ang ating naging sagot, “eh bakit araw-araw may aksidente?”

 

Madalas na nagiging problema kasi ang maling implementasyon ng ilang enforcer; kakulangan sa paghahatid ng klarong impormasyon mula sa ilang ahensiya; kakulangan sa teknolohiya at maintenance ng mga kagamitan sa pagsasaayos ng trapiko; kakulangan sa training ng mga driver at iba pa. 

 

Anoman ang pangmatagalang solusyong ilalatag, kailangan itong balanse, makatao at naaayon sa Saligang Batas.  

 

Nararapat lamang na makibahagi, makialam at magkaroon ng kooperasyon ang lahat ng sektor para sa ikatatagumpay ng mga pangmatagalang solusyon na magliligtas araw-araw sa ating mga kababayan at magpapatatag ng ating ekonomiya.

Previous articlePBBM, MAHAL NG DATING POLITICAL OFFICER 
Next article4Ps cash grant pinatataasan sa Kamara vs inflation