Home ENTERTAINMENT LOONA members, kumalas sa agency!

LOONA members, kumalas sa agency!

425
0

SOUTH KOREA – Opisyal nang kumalas ang mga miyembro ng sikat na Kpop group na LOONA sa agency nito na BlockBerry Creative.

Ito ay makaraang kanselahin na ng mga miyembro ng grupo ang kontrata nila sa agency!

Sa ulat noong Pebrero 3 mula sa JTBC News, naghain na ng pagpapawalang-bisa ng exclusive contracts nila sa BlockBerry Creative ang huling dlaawang miyembro ng grupo na sina HyunJin at Vivi.

Kasunod ito ng kaparehong aksyon ng apat na iba pang miyembro ng LOONA na sina HeeJin, Kim Lip, JinSoul, at Choerry na naging matagumpay.

Sa kabila nito, bigo naman na manalo sa legal dispute ang lima iba pang miyembro na sina HaSeul, YeonJin, Yves, Gowon, at Olivia Hye dahil sa nauna nang kontrata ng BBC sa kanila noong 2021.

Umaasa naman ang mga fans ng LOONA na Orbits, na mapagtatagumpayan din ng pitong miyembro ang paghain nila ng pagpapawalang-bisa ng kontrata nila sa BlockBerry Creative.

So sad para sa LOONA, pero we wish them well dahil sa talaga namang very creative, talented at charming na mga miyembro nito! RNT/JGC

Previous articleMaaliwalas na panahon, asahan!
Next articlePaglimita sa dami ng onion traders aprubado na ni PBBM – DTI chief