Home NATIONWIDE Lotto bettors bokya sa P58M combined jackpots

Lotto bettors bokya sa P58M combined jackpots

MANILA, Philippines – Pahinga muna sa mga bagong milyonaryo ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes, Marso 14, matapos na walang nanalo para sa jackpot prizes ng Lotto 6/42 at Super Lotto 6/49.

Walang manlalarong nakahula sa 6/42 winning digit combination na 30-09-07-41-33-32 na may jackpot na P6.2 milyon.

Ang Lotto 6/42 draw ay ibinobola tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.

Samantala, wala sa mga manlalaro ang nakahula ng tama sa 34-19-46-01-39-08 Super Lotto winning digit combination na may jackpot na P52.7 milyon.

Ang susunod na Super Lotto draw ay sa Marso 16.

Narito ang mga resulta para sa iba pang digit na laro: 19-03 para sa 2D Lotto, 4-2-2 para sa 3D Lotto, at 2-8-9-2-5-1 para sa 6D Lotto. RNT

Previous articleMagnitude 5.8 na lindol yumanig sa Japan!
Next articlePGH ‘di muna tatanggap ng mga bagong pasyente sa emergency unit