Home NATIONWIDE Lotto bettors sawi sa Araw ng mga Puso; napagkaitan ng P99M jackpot

Lotto bettors sawi sa Araw ng mga Puso; napagkaitan ng P99M jackpot

MANILA, Philippines – Walang masuwerteng nanalo para sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 jackpots sa 9 p.m. draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules ng gabi, Pebrero 14.

Wala sa mga mananaya ang mag-uuwi ng Mega Lotto jackpot prize na nagkakahalaga ng P42.1 milyon, matapos na hindi matumbok ang winning digit combination na 39-37-29-30-01-07.

Ganoon din ang nangyari sa Grand Lotto 6/55 kung saan walang nakahula sa winning digit combination na 44-36-50-42-21-11, na may jackpot prize na P56.9 milyon.

Ang iba pang mga panalong numero para sa digit na laro ay 1-9-9-8 para sa 4D Lotto, 2-3-0 para sa 3D Lotto, at 26-26 para sa 2D Lotto.

Ang susunod na Mega Lotto 6/45 draw ay sa Peb. 16, habang ang Grand Lotto 6/55 ay sa Peb. 17. RNT

Previous articleEO-41 NI PBBM, SINASALAULA’T BINABABOY (Last Part)
Next articleSHABU SUPPLIER NI CUENCA HABULIN