Home HOME BANNER STORY ‘Love the Philippines’ bagong tourism slogan

‘Love the Philippines’ bagong tourism slogan

MANILA, Philippines – Ipinakilala na ng Department of Tourism (DOT) nitong Martes, Hunyo 27 ang bagong tourism slogan ng bansa.

Ito ay ang “Love the Philippines.”

Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nagpasinaya sa bagong tourism slogan sa Manila Hotel, na tumaon pa sa ika-50 taon ng turismo sa Pilipinas.

Ang “Love the Philippines” ay papalit sa “It’s More Fun in the Philippines”, slogan ng bansa simula pa noong 2012.

Matatandaan na sinabi ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco noong Mayo na ang bagong tourism campaign ay tututok sa maipagmamalaki ng bansa, katulad ng kultura at mga tao nito.

“The enhanced tourism slogan will give our country an opportunity to market itself not just as a fun destination, which it will continue to be, but also as a destination for everything else that includes highlighting our culture and our people,” sinabi ni Frasco.

Maliban sa bagong tourism slogan, nakatakda ring maglabas ang DOT ng bagong mobile application kung saan mahahanap ng mga turista ang kanilang interes na tugma sa lugar na kanilang mapupuntahan sa bansa, batay sa database ng ahensya at ng Tourism Promotions Board (TPB).

Ang soft launch naman nito ay inaasahan ngayong buwan o sa Hulyo, at ang application ay available sa domestic at international travelers. RNT/JGC

Previous articlePagpapaliban sa BSKE noong Disyembre, unconstitutional – SC
Next articleIlang opisyal sa NegOr tutol sa planong BSKE postponement sa probinsya

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here