Home NATIONWIDE ‘Love the Philippines’ tourism slogan, pananatilihin ng DOT

‘Love the Philippines’ tourism slogan, pananatilihin ng DOT

326
0

MANILA, Philippines- Patuloy na gagamitin ng Department of Tourism (DOT) ang bagong tourism slogan ”Love the Philippines” sa kabila ng pagbatiko sa promotional video ng kampanya sa paggamit ng foreign stock footage, sabi ni Tourism Secretary Christina Frasco nitong Miyerkules.

Kinumpirma ito ni Frasco sa isang ambush interview sa 2022 Philippine Tourism Satellite Accounts and Tourism Statistics Dissemination Forum, nang tanunging kung gagamitin pa rin ng DOT ang tourism slogan na inilunsad lamang noong nakaraang linggo.

“I think that is evident,” sagot niya.

Ilang beses na binanggit ni Frasco ang ”Love the Philippines” sa kanyang talumpati, at pinakita ang slogan logo sa stage ng event.

Sinabi ng DDB Philippines, ang ahensyang kinontrata sa paglulunsad ng kampanya, nitong Linggo na mayroong “unfortunate oversight” ukol sa pagsasama ng non-original stock footage sa audiovisual presentation na nagpo-promote sa Pilipinas.

Ipinag-utos ng DOT ang imbestigasyon dito, na ayon sa blogger na si Sass Sasot ay naglalaman ng halos limang scenes na kuha sa ibang bansa: rice terraces sa Bali, Indonesia; isang mangingisdang naghahagis ng lambat sa Thailand;  passenger plane sa Zurich, Switzerland; tumatalong dolphins; at isang nagmamaneho ng sasakyan sa sand dunes sa Dubai, United Arab Emirates.

Pinutol na ng DOT ang kontrata nito sa DDB Philippines — ang advertising firm sa likod ng nasabing tourism campaign — sa gitna ng kontrobersiya.

Sa kanyang ulat, sinabi ni Frasco na noong 2022, ang bahaging Tourism Direct Gross Value Added (TDGVA) sa Philippine economy ay tinatayang 6.2%, na nagkakahalaga ng P1.38 trillion. Mas mataas ito ng 36.9% kumpara sa P1 trillion noong 2021. RNT/SA

Previous articleMario Dumaual, namayapa na!
Next articleKoleksyon ng BOC noong Hunyo, lampas sa target

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here