Home ENTERTAINMENT Lovelife kinalimutan na, Gina mas enjoy sa pagiging lola

Lovelife kinalimutan na, Gina mas enjoy sa pagiging lola

4335
0

Manila, Philippines – Twenty two years nang kasal si Michael de Mesa sa kanyang non-showbiz wife simula nang magkahiwalay sila ng magaling at award-winning aktres na si Gina Alajar.

Para naman kay Gina, hindi na niya hinahanap ang magkaroon ng lifetime partner.

Hirit pa niya, mas gusto pa raw niyang karerin ang pagiging lola sa kanyang mga apo na aniyaý kanyang responsibilidad sa ngayon.

“Hindi ko naman ipinagdarasal iyon, eh, dahil baka biglang ibigay, di ako ready, di ba?,” aniya. “So, kasi, nag-eenjoy ako sa buhay ko ngayon. Wala akong responsibilidad kahit kanino. Sa mga apo ko lang ang responsibilidad ko. Sa mga anak ko, wala na akong responsibilidad dahil malalaki na sila. Sa sarili ko lang. So, baka ibigay na ma-in love ako sa lalake. Mawawala iyong isip ko sa mga apo ko, so huwag na lang,” dugtong niya.

Happy naman si Gina na after so many years at sa kanyang edad ay nabigyan pa siya ng pagkakataong makapagbida sa pelikulang “Monday First Screening” na maiden offering ng NET25 Films na patuloy na sumisipa sa takilya sa kasalukuyan.

“I’m glad to be a part of a movie na bukod sa wholesome ay maraming lessons at positive values na itinuturo. I hope in one way or the other, makapagbigay din kami ng inspirasyon sa aming movie,” ani Gina.

Proud din siya na muling makatrabaho ang iginagalang na aktor-direktor na si Ricky Davao.

“Ricky and I are close friends. Nagkasama na rin kami sa movies and TV. First time rin naming magkasama as leads, so I’m thankful for the experience,” paliwanag niya.

Hirit pa ni Gina, nakaka-relate raw siya sa tema ng movie dahil siya man ay isa nang senior citizen in real life.

“Love knows no age, kahit anong edad ka pa, di ba?,” pakli niya.

Ang “Monday First Screening” ay tumatalakay sa kuwento ng dalawang senior citizen na namuo ang pagmamahalan sa panonood ng mga libreng sine sa unang screening tuwing Lunes gaya ng ginagawa ng marami sa ilang malls sa Metro Manila.

Tinaguriang “senior rom-com” movie, ang pelikula ay idinirehe ng acclaimed filmmaker na si Benedict Mique mula sa iskrip ni Aya Anunciacion with Owen Berrico as director of photography.

Kasama rin sa cast ng pelikula sina Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Che Ramos, Ian Ignacio at introducing ang umuusbong na love team nina Allen Abrenica at Reign Parani. Archie Liao

Previous articleNips to nips: Pic ni Anne viral!
Next articleUtang ng Pinas, P14.24T na!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here