Home METRO Lover boy patay sa mister ng kalaguyo

Lover boy patay sa mister ng kalaguyo

QUEZON – PATAY ang isang lalaki matapos barilin ng mister ng kanyang kalaguyo habang ang una ay nakatayo sa labas ng kanilang bahay nitong Sabado, Setyembre 23 sa lalawigang ito.

Hindi na umabot pang buhay ng idating sa ospital ang biktimang itinago sa pangalan ‘Kiko’, habang nadakip naman ang suspek na itinago sa pangalan Marco, sa pinagtaguan nito sa Nueva Vizcaya.

Ayon kay PMaj. Benjamin Pagapa Jr., hepe ng Quezon Police Station, nakatayo ang biktima sa labas ng kanilang bahay ng bigla na lamang siyang pinagbabaril ng suspek sakay ng motorsiklo.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Subalit, ibinunyag ng misis ng suspek na ang asawa niya ang pumatay sa biktima at sinabing nagtago ito sa bayan ng Ambaguio.

Agad na nagsagawa ng manhunt operation ang pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Sa himpilan ng pulisya, inamin ng suspek ang ginawa niyang krimen.

Base sa pahayag naman ng misis, halos mag-isang taon na silang hiwalay ng kanyang mister (suspek) at mayroon silang anak.

Habang ang biktima naman ay may-asawa na nagtatrabaho sa ibang bansa at mayroon din sila anak. Mary Anne Sapico

Previous articleAmmonia leak naitala sa Taguig ice plant
Next articleListahan ng nominees sa Maharlika Corp. ipapasa kay PBBM sa Setyembre 29